Saturday, August 13, 2022
HomeUncategorizedValentine Rosales issues public apology after viral "story time" post

Valentine Rosales issues public apology after viral “story time” post

-

Naglabas ng public apology video si Valentine Rosales kaugnay ng kanyang viral “Story Time” post sa TikTok at Facebook kung saan ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pagbili ng presidential cup poll ng isang kilalang convenience store.

Sa kanyang Facebook post noong March 13, 2022, ikinuwento niya na may nakita siyang isang di kilalang customer na nagnakaw umano ng tumbler na may mukha ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa pa kuwento ni Valentine, bumili siya ng tumbler na may mukha ni Leni Robredo, at siya na rin daw ang nagbayad ng tumbler ng customer na di nagbayad sa cashier.

Lunes, March 14, 2022 naman nang mag-trend sa Twitter si Valentine dahil sa pag-fabricate umano nito ng kanyang kuwento para sa clout.

Inulan siya ng batikos nang sabihin ng ilang netizens na sarado na ang branch ng convenience store sa Ali Mall, Cubao, na binanggit niya sa kanyang post.

Napansin din ng ilang netizens na magkaiba ang kuwento ni Valentine sa kanyang Facebook post at TikTok video.

VALENTINE ISSUES PUBLIC APOLOGY

Nitong Huwebes, March 17, 2022, inamin ni Valentine ang kanyang pagkakamali sa kanyang apology video na ibinahagi niya sa kanyang TikTok account.

Pahayag ni Valentine, “Last Sunday, I posted a content regarding 7/11 cup issue, which you know here at TikTok, yung story time. And it went viral for the wrong reasons.

“I received lots of negative comments, na-bash po ako. Sinabihan po ako ng masasamang salita, which, yeah, naapektuhan rin po ako ng mga nabasa ko dahil sa katotohanan nga po, hindi po talaga tama yung ginawa ko.

“I realized my mistakes and hindi po talaga tama yung ginawa ko.”

Nilinaw rin ni Valentine kung bakit inabot ng halos isang linggo bago siya humingi ng tawad sa kanyang pagkakamali.

Paliwanag niya, “Sasabihin niyo, bakit ngayon ko lang po… ngayon lang ako maglalabas ng apology video, e last Sunday pa yun. Pinaano ko muna, pina-cool down ko muna yung situation.”

Ibinahagi rin ni Valentine ang kanyang natutunan sa kanyang pagkakamali.

“Regarding doon, I [own] up to my mistakes kaya I’m making this apology video. Gusto ko pong mag-sorry sa nagawa ko kasi hindi naman po talaga tama yung ginawa ko.

“Nanira po ako ng ibang kandidato and all of them are campaigning and doing their best to promote their candidacy for president…

“And ako maninira lang po ng isang kandidato, which dapat instead of manira i-promote ko na lang po yung mga good deeds or magandang nagawa ng kandidato ko.

“Nagkamali po ako and humihingi po ako apology sa inyong lahat.”

Nagpapasalamat naman ito sa mga umintindi at nagpatawad sa kanya. Samantala, maiintindihan naman daw ni Valentine kung sakaling hindi ito magawa ng iba.

“Sa mga magpo-forgive sa akin sobrang appreciate ko po and I’ll do my best to be a better person.

“Sa mga hindi naman po ako mapo-forgive, I will understand kasi kasalanan ko naman talaga yun.

“I should be ready for the consequences of what I have done pero please know na pinagsisisihan ko na po yung ginawa ko.

“And it’s better na at least nag-apologize po ako and I made a video to apologize, kasi sasabihin nila ang sipag ko gumawa ng video, manglait pero mag-sorry hindi ko magawa.

“Kaya ito po I’m apologizing and [owning] up my mistakes.”

Bilang pahiwatig na taos-puso ang kanyang paghingi ng tawad, sinabi ni Valentine na buburahin na niya ang lahat ng kanyang mga naunang post tungkol dito.

“And also, to show na sincere po ako sa pagso-sorry ko ide-delete ko po lahat ng posting ko regarding those issue dahil hindi po tama yung nagawa ko.”

Muling paghingi ng tawad ni Valentine, “Sorry po sa nagawa ko and regarding politics I’ll stay out and keep quiet. May the best president win. Sorry again sa lahat.”

REFERENCE/S:
Valentine Rosales issues public apology after viral "story time" post| PEP

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts