Wednesday, August 10, 2022
HomeUncategorizedTindera pumasa sa teacher licensure exam matapos ang 15 subok

Tindera pumasa sa teacher licensure exam matapos ang 15 subok

-

Labindalawang taon mula nang maka-graduate sa kolehiyo, isa nang ganap na guro ang 32 anyos na si Richelle Ann Gonzales mula Palapag, Northern Samar.

Sa loob ng higit 1 dekada, 15 beses siyang sumubok sa licensure examination for teachers (LET).

Ngayong Marso, inilabas ang resulta ng January 2022 board exam para sa mga guro, kung saan napabilang na sa listahan ng mga pumasa si Gonzales

Bukod sa galak, tila nabunutan umano ng tinik sa dibdib si Gonzales. Nanumbalik din aniya ang hirap na pinagdaanan bago pumasa.

Ikinuwento ni Gonzales na nakisabay siya sa isang delivery service ng bigas para maproseso ang kaniyang mga dokumento para sa exam.

Mula kasi sa kanilang lugar, higit 2 oras ang biyahe patunong Catarman, ang exam venue.

“Kahit gustuhin mong mag-board exam, wala kang pera na magagamit pambayad para makapag-exam dahil sa mas kailangan ng mga anak mo, kailangan ng pamilya mo,” ani Gonzales.

Noong hindi pa lisensiyado para makapagturo, pinasok ni Gonzales ang pagtitinda ng mga damit at sabon.

Nagtrabaho rin siya sa senior citizen department ng kanilang munisipyo subalit hindi na nag-renew ng kontrata dahil kinailangan niyang tutukan ang pagri-review.

Target ngayon ng bagong guro na makapaglingkod sa bayan.

“Ayoko [magturo] sa ibang bansa, gusto ko magturo kung saan ako nakapagtapos ng secondary kasi gusto ko matuto at samahan mga estudyante ko,” ani Gonzales.

Base sa resulta ng January 2022 LET, 8,737 mula sa 15,696 examinees ang pumasa bilang elementary teachers, habang 12,074 mula 22,454 ang pumasang secondary teachers.

“Dapat nasa puso’t isip mo at pagpupursigi na gusto kong magturo, gusto kong maging guro, na kahit anong pagsubok, kahit gaano katagal, hindi ka hihinto,” ani Gonzales.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

REFERENCE/S:
Tindera pumasa sa teacher licensure exam matapos ang 15 subok| ABS-CBN NEWS

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts