Wednesday, August 10, 2022
HomeUncategorizedSanggol na ibinenta ng sariling inang lulong sa e-sabong, nasagip na

Sanggol na ibinenta ng sariling inang lulong sa e-sabong, nasagip na

-

Paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act ang kasong posibleng isampa laban kay Danica, ang 22-year-old mother mula sa Pasig City na ibinenta ang sariling anak noong March 3, 2022.

Ayon kay Danica, ibinenta niya ang kanyang siyam na buwang anak na babae sa halagang P45,000 dahil nabaon siya sa utang nang malulong sa online sabong.

Sinabi ni Danica sa panayam ni Jessica Soho na handa siyang masampahan ng kaso basta maibalik lamang ang kanyang anak na ipinagbili niya.

Positibo ang resulta sa paghahanap sa ibinentang sanggol na nailigtas ng mga tauhan ng NBI Anti-Human Trafficking Division sa Sta. Cruz, Laguna nitong Martes, March 22.

Dinakip ng mga awtoridad mula sa National Bureau of Investigation (NBI) si Imelda Malibiran at ang kanyang Nigerian husband na si Maxwell Bright dahil sila ang bumili sa sanggol mula sa taong pinagbentahan ni Danica sa Quezon City noong March 3.

Sa interbyu ng Pasig News Today kay Danica noong March 10, sinabi niyang nagkausap sila noong March 1 ng taong bumili sa kanyang anak sa Bahay Ampunan group, isang private group sa Facebook.

“Nagkausap po kami sa online, sa group ng Bahay Ampunan. Nag-comment po siya tapos nag-PM [private message] sa akin. Nag-offer po siya ng P20,000 po tapos meron pa po akong ibang kausap.null

“Sinabi ko rin po sa kanya na may kausap akong iba, may nag-o-offer pa po ng mas malaki. Sabi niya, ‘Sige, P40,000 fixed.’

“Sabi ko sa kanya, kung puwede P50,000. Sabi niya, hanggang P45,000 lang.

“Sabi niya rin po sa akin, gagawin niya din daw na illegal yung adoption kasi may papapirmahan din siya sa akin,” kuwento ni Danica tungkol sa transaksyon nila ng middleman na tinutugis ngayon ng NBI.

May dalawang anak si Danica at ang kanyang asawa.

Ayon sa mister ni Danica, may bagong cellphone ang kanyang misis nang umuwi ito sa kanilang tahanan noong March 3.

Sinabi rin daw ng kanyang misis na iniwan nito sa nanay niya sa Makati City ang bunso nila, pero ibinenta na pala.

Nagpasalamat ang asawa ni Danica sa NBI dahil makalipas ang labing-siyam (19) na araw, nasagip at muli silang nagkasama ng anak na ipinagbili ng sariling ina sa halagang P45,000.

REFERENCE/S:
Sanggol na ibinenta ng sariling inang lulong sa e-sabong, nasagip na| PEP

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts