Nagbigay ng tulong sa mga taga Surigao City si Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI Foundation Inc. sa mga nasalanta sa bagyong Odette.
Hindi lang pangkaraniwang food packs at galon ng tubig ang dala ng team ni Pastor Apollo Quiboloy para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Surigao City.

Nagdala rin ng water tanker ang grupo ni Pastor Apollo at SMNI Foundation Inc. para sa libreng mainom at magamit ng mga residente sa lugar.
Isa ang Brgy. Quezon sa Surigao City sa mga lugar na pinakaapektado sa pananalasa ng bagyong Odette sa bansa.
Karamihan sa mga residente nito ay sa eskwelahan na kinupkop ang kanilang pamilya na wala nang babalikang bahay dahil sa malakas na bagyo.
Dulot ng malakas na bagyo sa lugar isa agad sa naging epekto ay ang kalusugan ng komunidad.

Bukod sa pagkain, malinis na tubig ang pinaka-kailangan ngayon sa Caraga region.
Matapos na manalasa ang bagyong Odette, naging limitado ang pagkukunan ng suplay ng tubig at pagkain.
Sa katunayan, sa Siargao Island na karatig lugar sa Surigao City, lumobo na ang bilang ng nagkakasakit ng Diarrhea dahil sa kawalan ng mapagkukunan ng malinis na tubig.
Mahigit 6,000 katao ang tatanggap ng regalo at tulong mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ at SMNI Foundation Inc.
Ang akala ng lahat wala na silang pag-asa at mararanasang saya ngayong kapaskuhan matapos padapain ang lahat ng kanilang pinaghirapan sa buhay.
Pero heto, punong-puno ng masasayang ngiti, at abot-langit na pasasalamat ang kanilang ipinaabot kay Pastor Apollo sa pagbisita ng grupo nito sa kanilang lugar.