Saturday, August 13, 2022
HomeUncategorizedParokya ni Edgar, Zack Tabudlo, Blaster Silonga call out fake posters for...

Parokya ni Edgar, Zack Tabudlo, Blaster Silonga call out fake posters for Marcos-Duterte rally

-

Mariing itinanggi ng ilang OPM artists na dadalo at tutugtog sila sa isang parating na rally ng tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sa magkahiwalay na mga post sa Facebook ay itinanggi nina Zack Tabudlo, Blaster Silonga ng IV of Spades, at ng Parokya ni Edgar na magpe-perform sila sa April 10 rally ng Uniteam sa Zamboanga.

“Peyk news” ito sabi ni Zack.

Blaster Silonga

Paglilinaw ng Parokya, “This is not true.”

Parokya Ni Edgar

Pabiro naman ang post ni Blaster sa pagbanggit niya ng kontrobersiyal na “Tallano Gold.”

Nag-react ang mga nasabing sikat na mang-aawit sa isang viral post ng isang Facebook page na sumusuporta sa kampanya nina Marcos at Duterte para sa pagka-presidente at bise-presidente, respectively.

May iba pang OPM bands na nakalagay sa viral post na ito tulad ng Kamikazee, Agsunta, at Philia. Kasama rin sa poster ang sikat na vlogger na si Cong TV. Hindi malinaw sa ngayon kung ano ang posisyon nila hinggil dito.

Tumanggi man sina Zack at ang Parokya sa nasabing performance na ito ay hindi ibig sabihing hayagan na nilang tinutuligsa ang Uniteam.

Hindi pa kasi sila hayagang nagbigay ng statement ukol dito.

Si Blaster lamang ang nagbigay ng malinaw na pahayag sa sumunod nyang post, kung saan sinabi niyang hindi siya magpe-perform para sa Uniteam kailanman.

Blaster SIlonga

WHO ARE THE OPM BANDS ROOTING FOR?

Hindi nag-iisa si Blaster at ang banda niyang IV of Spades sa pagtuligsa sa Uniteam.

Marami na ring OPM artist ang nagpahayag ng suporta sa mahigpit na katunggali ni Marcos, na si Vice President Leni Robredo.

Kasama na rito ang Mayonnaise, Rivermaya, Ely Buendia, Ben&Ben, Moira dela Torre, Erik Santos, Yeng Constantino, Moonstar88, Imago, Daniel Padilla, Juan Karlos, at marami pang iba.

Ang mga ito ay nag-perform na o may balak pang tumugtog sa mga rally ni VP Leni.

Samantala, meron ding mga OPM artist na nagpe-perform sa mga rally ni Marcos, tulad ng Hale, Aegis, at Silent Sanctuary.

REFERENCE/S: 
Parokya ni Edgar, Zack Tabudlo, Blaster Silonga call out fake posters for Marcos-Duterte rally| PEP

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts