Thursday, August 11, 2022
HomeUncategorizedMatapos dumalo sa campaign rally ni BBM, Rufa Mae Quinto tampok sa...

Matapos dumalo sa campaign rally ni BBM, Rufa Mae Quinto tampok sa rally ni Pacquiao

-

“Go, go, go!” ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto matapos nitong bumisita sa campaign rally ni Presidential aspirant Senator Manny Pacquiao na kamakailan lang nag guesting din ang aktres sa UniTeam’s rally.

Unang naging headline ang “Super B” star noong Marso 29 nang umakyat siya sa entablado sa isang rally ng UniTeam sa Zamboanga, isang pagpapahayag na suportado niya ang presidential aspirant na si Ferdinand Marcos, Jr. at sa running mate nito na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Rufa MMae Quinto bumisita sa campaign rally ng UniTeam sa Zamboanga. FILE

Pagkatapos, makalipas lamang ang apat na araw noong Abril 2, dumalo rin si Quinto sa isa pang campaign rally ng katunggali ni Marcos na si Sen. Manny Pacquiao. Ang “Booba” actress ay kabilang sa mga gumanap sa grand rally ng boxing icon sa Dumaguete City.

Sinamahan din ni Quinto si Pacquiao sa Iloilo City noong Marso 31, sa pamamagitan ng mga larawan na huli niyang ibinahagi sa Instagram noong Lunes. Nakasama niya ang kapwa aktres na si Ruffa Gutierrez, gayundin ang socialite-wife ni Pacquiao na si Jinkee, sa pangangampanya para sa senador doon.

📷 Instagram: @iloveruffag

Ginamit ni Gutierrez ang hashtag na #TeamPacquiao para sa kanilang group photo, na muling ipinost ni Quinto bilang update sa Stories.

Kasunod ng kanyang mga pagpapakita sa parehong rally ng UniTeam at Pacquiao, walang ginawang paglilinaw si Quinto kung aling kandidato sa pagkapangulo ang gusto niyang iboto.

Saad pa niya: “Sino ba ang boboto natin? Yay gabay gabay walang away!”

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts