Thursday, August 11, 2022
HomeUncategorized'Magpakumbaba tulad ni BBM,' payo ni Toni sa mga Uniteam supporters

‘Magpakumbaba tulad ni BBM,’ payo ni Toni sa mga Uniteam supporters

-

📷 Bongbong Marcos/Facebook

Walang tigil si Toni Gonzaga-Soriano sa kanyang muling paghanga sa mga tao sa pinakabagong campaign rally ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang running mate na si Sara Duterte sa Cavite noong Martes, Marso 22.

Matapos kantahin ang orihinal na hit-song ni Katy Perry na “Roar,” rumesbak ang actress sa mga tsismis at pasaring na binayaran siya ng malaki para mag-perform sa BBM-Sara rallies.

📷 Bongbong Marcos/Facebook

Saad ni Toni: “Simula po nung tumayo ako sa entablado kasama ang Uniteam, ang tawag ng lahat, bayad daw po ako. Bayad po ba kayo.”

Pagkatapos ay sumigaw ang mga supporters na dumalo sa rally: “Hindi kami bayad! Hindi kami bayad! Hindi kami bayad!

“Alam n’yo, kaya po katulad ni BBM, hindi na po natin dapat na pinapatulan ‘yung mga ganyang bagay dahil kung alam ninyo ang katotohanan, hinding hindi kayo kayang sirain ng kasinungalingan!”

📷 Bongbong Marcos/Facebook

“Kaya po sa lahat ng nangaaway sa inyo, pinipintasan kayo, kinukutya kayo, katulad ni BBM, huwag na po tayong lumaban. Patuloy po tayong magpakumbaba dahil katulad ni BBM, laging nagpapakumbaba, kaya naman si BBM, lalong tumataas!” saad ni Toni.

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts