Wednesday, August 10, 2022
HomeUncategorizedLalaking nagbanta umano na babarilin si Marcos Jr., inaresto

Lalaking nagbanta umano na babarilin si Marcos Jr., inaresto

-

Inaresto nitong Biyernes ang isang lalaking naglabas sa social media ng kanyang pagbabanta kay presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.

May post daw ang suspek sa kanyang Twitter account na nagsasabing babarilin nya ito kapag dumaan sya sa Tandang Sora, Quezon City.

Nagsumbong umano ang kampo ni Marcos tungkol sa post. 

“I was blocked by Marcos, Jr. Pakisabi mag-ingat siya sa Tandang Sora QC. ‘Pag dumaan siya dun babarilin ko siya di ako takot makulong. Hindi rin ako takot mamatay. Isang malaking karangalan ipaghiganti mga kasama ko aktibista biktima ng martial law,” anang netizen. 

Sa isinagawang imbestigasyon ng QCPD Anti-Cybercrime Unit, natunton ang suspek na residente ng Barangay Sta. Lucia, Q.C. kaya nakipag-ugnayan doon ang mga pulis.

Bandang alas-5:35 ng hapon pinuntahan ng mga tauhan ng barangay ang suspek at ipinagbigay-alam na hinahanap siya ng mga pulis. 

Sumama naman daw ito sa barangay at sumuko sa mga pulis saka sya dinala sa Camp Karingal para imbestigahan.

Ayon sa QCPD PIO, sa imbestigasyon sinabi ng suspek na hindi siya ang may-ari ng Twitter account dahil wala siya nito at ang pangalan nya sa kanyang social media account ay binaliktad na mga letra ng kanyang pangalan. 

Na-inquest daw ang suspek nitong gabi ng Biyernes. 

— Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

REFERENCE/S:
Lalaking nagbanta umano na babarilin si Marcos Jr., inaresto| ABS-CBN NEWS

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts