Wednesday, August 17, 2022
HomeUncategorizedLalakeng OFW sa UAE, gumastos ng Php 9M sa IVF para lang...

Lalakeng OFW sa UAE, gumastos ng Php 9M sa IVF para lang magkaanak

-

Umabot ng Php 9M ang ginastos ni Dan para magkaroon ng sariling anak. Alamin ang kanyang kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, isang OFW (Overseas Filipino Worker) sa UAE (United Arab Emirates) ang piniling gamitin ang naipon na Php 9M para sa isang IVF (in vitro fertilization) upang matupad ang pangarap niyang magkaanak.

Halos lahat, nakay Dan Lester Dabon na. Sa edad na 32 anyos, nalibot niya na ang mahigit kumulang 35 na bansa, may magandang trabaho at iba’t ibang ari-arian na rin.

Noong 2021, nakamit din ni Dan ang isang malaking gantimpala bilang isa sa recipients ng 2020-2021 Top 100 Healthcare Leaders Award by the International Forum on Advancements in Healthcare (IFAH) sa Las Vegas, USA. Si Dan ang nagiisang Filipino at ang pinakabata sa mga nagkamit ng parangal na ito noong 2021.

Nagsisilbi si Dan bilang chief executive officer and founder ng DLD Healthcare Consulting Service, at isang risk officer sa pinakamalaking ambulatory healthcare providers Abu Dhabi.

Sa dami ng kanyang nakamit, handang handa na si Dan na magkaroon ng sariling anak. Ngunit may problema si Dan kaya kailangan ito ng IVF.

Paliwanag ni Dan, ‘Yung problema sa akin, ‘yung shape at movement [ng sperm] na kapag ginawa siya naturally, hindi siya aabot sa stage na ma-mi-meet niya ang egg.”

Kaya naman naisipan ni Dan na tumungo sa ibang bansa upang maisagawa ang proseso ng IVF at maabot ang pangarap kahit na walang asawa.

Sa Russia nakahanap ng donor na babae si Dan para matulungan siyang makabuo ng kambal na babae at lalaki bilang mga anak.

Gayunpaman, nakaranas ng pagkabigo si Dan sa kanyang unang tangka sa IVF. Dahil dito, nakaranas si Dan ng depresyon pero hindi pa rin siya sumuko kahit pa umabot na ng Php 9 milyon ang kanyang nagagastos.

Naging matagumpay na kaya ang sumunod na pagsubok ni Dan sa IVF?

Para sa buong detalye, panoorin ang feature story na ito ng KMJS sa video na ito:

REFERENCE/S: 
Lalakeng OFW sa UAE, gumastos ng Php 9M sa IVF para lang magkaanak| GMA NETWORK

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts