Wednesday, August 17, 2022
HomeUncategorizedKargador sa palengke sa Cebu City, Top 2 sa 2022 Mechanical Engineer...

Kargador sa palengke sa Cebu City, Top 2 sa 2022 Mechanical Engineer board exam

-

Maraming hirap na pinagdaanan si Mark Allen Armenion para makatapos ng pag-aaral. Nakaranas siyang bumagsak sa klase noong elementary at high school dahil kinailangan niyang magkargador ng tubig para matulungan sa gastusin ang inang tindera ng uling at amang tagaluto ng litson.

Top 2 si Mark Allen Armenion, 24, sa February 2022 Mechanical Engineer Licensure Examination.

Nakakuha siya ng 95.70 percent passing rate.

Tubong Warwick Barracks, Carbon Market, Cebu City, maraming hirap na pinagdaanan si Mark bago niya nakamit ang tagumpay.

Mark Allen Armenion

Siya ang bunso sa apat na anak ni Marites, isang tindera ng uling sa Carbon Market. Tagaluto naman ng litson ang kanyang ama na si Rene.

Ayon sa panayam sa kanya ng Sugbo.ph na nalathala noong March 11, 2022, hindi raw inakala ni Mark na makatatapos siya sa pag-aaral dahil sa problema ng kanilang pamilya sa pera.

Noong elementary at high school ay madalas siyang absent.

Dahil dito, dalawang beses siyang bumagsak: noong grade three sa elementary, at noong third year high school.

Habang nag-aaral ng high school, si Mark ay naging kargador ng tubig sa palengke para may maitulong siya sa gastusin nila sa bahay at sa kanyang pag-aaral.

Gayunpaman, siya ang best in mathematics sa kanilang batch.

Habang nag-aaral ng high school, si Mark ay naging kargador ng tubig sa palengke para may maitulong siya sa gastusin nila sa bahay at sa kanyang pag-aaral.

Gayunpaman, siya ang best in mathematics sa kanilang batch.

SOBRANG HUSAY SA MATH

Pagka-graduate ng high school ay nag-enroll si Mark sa kursong mechanical engineering sa University of Cebu–Lapu-Lapu and Mandaue (UC-LM).

Nag-working student siya para maitaguyod ang pag-aaral.

Pinatunayan din niya ang husay sa mathematics habang nasa kolehiyo.

Tinanghal siyang National Quiz Champion sa 2018 Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) Quiz Bowl 2018.

Siya rin ang nagwagi sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (CESAFI) Math Quiz Bowl noong 2018 at 2019.

Sinubok naman siyang muli ng tadhana nang ang bahay nila sa Mandaue City ay i-demolish, kaya napilitan sila ng kanyang ina at mga kapatid na magbalik sa Carbon.

Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa University of Cebu (UC) main campus.

At dahil transferee si Mark, kahit matataas ang kanyang grades ay hindi siya naging cum laude.

TARGET TALAGA NIYANG MAGING TOP 1

Aminado naman siyang target niya ang first place sa Mechanical Engineering licensure exams. Dalawang taon siyang naghanda para rito.

Ikinuwento niya ang kanyang paghahanda sa panayam ng Lakandiwa, ang Official Student Publication ng University of Cebu, na nalathala noong March 15.

Aniya, “Sukad pag third year college nako, my mind was already at the board exam. And with all the efforts I had, my mind was set to become Top 1 and break records.”

Mark Allen Armenion

Medyo disappointed siya na hindi na siya ang nasa unang puwesto. Inamin din niyang ang cash incentives na ibinibigay sa University of Cebu topnotchers ang kanyang driving force, pero ang pinaka-inspirasyon niya ay ang kanyang mga magulang.

Ayon kay Mark, “That was my mindset during my college days. Para if in case di nako ma-beat, sure jud na mo land ko sa top list. Driving force to nakong premyo sa UC, and akong main inspiration is akoa jud parents.”

Nakatanggap pa rin siya ng PHP120,000 mula sa UC bilang incentive.

Malaki naman ang naging pasasalamat niya sa pinasukang unibersidad.

Ani Mark, “Though my college journey isn’t that perfect and ideal, this university has greatly helped me overcome, excel, and improve as an individual. UC will forever be part of my story.”

REFERENCE/S:
Kargador sa palengke sa Cebu City, Top 2 sa 2022 Mechanical Engineer board exam| PEP

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts