Thursday, August 11, 2022
HomeUncategorizedIvana Alawi gumastos ng halos P300k, inilibre ang mga 'di kakilala, staff,...

Ivana Alawi gumastos ng halos P300k, inilibre ang mga ‘di kakilala, staff, at kanyang pamilya

-

Nagdulot muli ng saya ang sikat na socia media influencer at aktres na si Ivana Alawi sa kanyang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga groceries at iba pa sa kanyang pamilya, staff at sa mga taong nadadaanan nito, na di umano’y umabot sa halos P300,000 ang nagastos ng aktres.

Kinasa ni Alawi ang hamon na “buying everything you can carry” kung saan babayaran niya ang lahat ng mga item na nakuha at bitbit ng mga participants gamit lamang ang kanilang mga kamay sa loob lamang ng isang minuto, na makikita sa vlog sa YouTube channel ni Alawi noong Abril 2.

Ang ina ni Alawi na si Fatima ang unang tumanggap ng hamon. Dinala si Fatima sa isang grocery shopping store, ayon sa kanyang kahilingan, kung saan nakabili siya ng humigit-kumulang P27,000 halaga ng grocery supplies.

📷 Ivana Alawi/YouTube (Screengrab)

Samantala, ang mga kapatid naman ni Alawi na sina Mona, Hash at Amira ay nagtungo sa isang tindahan ng damit kung saan ginawa nila ang hamon. Bukod sa kanyang mga kapatid, inilibre din ni Alawi ang kanyang hairstylist, katulong, video team, driver, at isang tao na nanonood lang habang sila ay namimili sa tindahan.

Nagbayad si Alawi ng humigit-kumulang P292,000 para sa lahat ng mga items na nakuha nila, kasama ang mga pinamili ng kanyang ina. Binilhan din niya ang anak ni Amira ng mga laruan na hindi niya ipinakita ang kabuuang presyo nito.

“Sobrang nag-enjoy ako sa video na ‘to [dahil sa] mga happiness nila so I’m so happy. Happy na akong nanonood and nagta-timer,” saad ni Alawi.

Nang tanungin ni Hash kung nakaramdam siya ng takot sa halagang babayaran niya, inalis ni Alawi ang pag-iisip at idiniin na kontento siya na nakikita silang natuwa sa kanyang kilos. “Kontento na ako sa mga ngiti at sigaw niyo (I’m content with all your smiles and cheers. I’m happy with that,” dagdag pa niya. “It’s ‘unbuyable’.”

Kamakailan lang ay sinurpresa ni Alawi ang kanyang ina at si Mona ng sariling bahay, na inihayag ang regalo sa pamamagitan ng isang emosyonal na kalokohan. Sinabi ni Ivana na pangarap niyang mabigyan ng sariling tahanan ang kanyang pamilya at ito ang naging inspirasyon niya sa kanyang trabaho sa paglipas ng mga taon.

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts