Thursday, August 11, 2022
HomeUncategorizedIT student nakabili ng laptop matapos na makalikom ng pera mula sa...

IT student nakabili ng laptop matapos na makalikom ng pera mula sa kaniyang panawagan online na “piso para sa laptop.”

-

Isang IT student ang nakabili ng laptop matapos na makalikom ng pera mula sa kaniyang panawagan online na “piso para sa laptop.”

Hindi akalain ni Primo Pinoy ng Ligao, Albay na marami ang tutugon sa kaniyang panawagan.

Sa post niya, sinabi niyang “Manglilimos po, I’m an IT Animation student from BU na umaasa lang sa CP, ‘di na kaya sa CP ko mag-3D modeling, coding, etc.”

Umabot sa higit P80,000 ang nalikom niyang donasyon, na agad niyang ipinambili ng laptop at iba pang gamit.

May mga nagpapaabot pa ng tulong pero sinasabihan niya na sa iba namang nangangailangang estudyante ibigay.

Aniya, malaking bagay ang laptop sa pag-aaral niya lalo’t second year college na siya sa kursong BSIT Animation sa Bicol University Polangui Campus.

Palagi siyang huli sa pag-submit ng mga project dahil sa kawalan ng laptop at pumupunta pa sa bayan para gumawa ng mga project sa computer shop.

Kung wala aniyang nagbigay ng tulong, posibleng hindi muna siya nagpatuloy sa pag-aaral. Ngayon, mga painting niya naman ang ibinebenta para maitaguyod ang pag-aaral.| via Jose Carretero

REFERENCE/S:
IT student nakabili ng laptop matapos na makalikom ng pera mula sa kaniyang panawagan online na “piso para sa laptop.”| ABS-CBN NEWS

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts