Thursday, August 11, 2022
HomeUncategorizedHeart: Yung rampa ka nang rampa dahil problemado kang umuwi kasi na-max...

Heart: Yung rampa ka nang rampa dahil problemado kang umuwi kasi na-max mo na card mo!

-

Heart Evangelista

GINAWA na namang joke ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang sarili habang rumarampa sa Paris, France.

Aliw na aliw at bentang-benta sa mga netizens ang nakakalokang hugot ng Pinay fashion icon sa pagiging shopaholic gamit ang kanyang credit card.

Pagkatapos nga ng mga bonggang paandar niya sa social media with her branded and signature stuff, nagpakakomedyante naman ang aktres sa bago niyang Instagram post.

Sa bagong Instagram post ng tinaguriang Kapuso Queen of Creative Collaborations, makikita ang apat niyang glossy photos na mukhang tuliro at parang nawawala sa sarili.

Aniya sa caption, “Yung rampa ka ng rampa kasi (namomroblema) kang umuwi kasi na-max (out) mo card mo.”

Aliw na aliw naman ang kanyang mga Instagram followers na halos pare-pareho ang naging comments — na kahit problemado raw si Heart matapos masagad ang credit limit sa credit card ay sosyal na sosyal pa rin ang itsura niya.

Nitong mga nagdaang linggo, nagiging komedyante na rin ang misis ni Chiz Escudero kaya naman mas dumarami pa ang kanyang fans at social media followers. 

Last month lang, nag-viral ang mga litrato ni Heart nang sumabak siya sa “sari-sari store shopping challenge” kung saan nakabili siya ng crackers, potato at corn chip snacks, shampoo sachets at cracker nuts. 

Bukod dito, game na game rin siyang pumayag sa request ng netizens na i-try ang “tusok-tusok” o street food challenge” kung saan talagang lumafang siya ng fishball at iba pang pagkain na nabibili sa kalye.

Maraming beses na ring napaulat ang mga sosyalin at branded na gamit ni Heart sa bahay tulad ng kanyang Chanel hangers na nagkakahalaga ng kulang-kulang P3,000 ang isang piraso at ang gamit niyang Balenciaga coffee cup na kay price tag na mahigit P5,000.

REFERENCE/S: 
Heart: Yung rampa ka nang rampa dahil problemado kang umuwi kasi na-max mo na card mo!| BANDERA

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts