Thursday, August 11, 2022
HomeUncategorizedDaniel Padilla shows support for Vice President Leni Robredo's presidential bid

Daniel Padilla shows support for Vice President Leni Robredo’s presidential bid

-

Viral ngayon sa social media ang larawan ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla kasama ang film director na si Mandy Reyes.

Makikita sa dalawang larawan na in-upload ni Reyes sa kanyang Facebook ngayong Miyerkules, March 9, 2022, ang campaign poster ni presidential aspirant at Vice Preisdent Leni Robredo.

Caption ni Reyes: “Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster.”

Ginamit din niya ang mga sumusunod na hashtags: #IpanaloNa10To #LiderLeni #DapatLeni #TagagawaNgPatalastasForLeni #GobyernongTapat #AngatBuhayLahat

Malinaw na magkaiba ng sinusuportahang kandidato si Daniel at ang kanyang inang si Karla Estrada.

Nitong nakaraang Pebrero, nagpahiwatig si Karla na magkaiba sila ng anak ng paniniwala sa pulitika.

Hayag ang suporta ni Karla sa kandidatura ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ka-tandem nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Unang namataan si Karla na sumampa sa entablado ng Marcos-Duterte rally sa Philippine Arena, noong February 8, 2022.

Si Karla aya kumakandidatong third nominee ng Tingog party-list, na ang kasalukuyang representante ay si Yedda Romualdez.

Si Romualdez ay isa sa 70 kongresista na bumoto na huwag i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Si Daniel ang isa sa pinakasaikat na artista ng ABS-CBN, habang si Karla ay dating host ng daily morning talk show ng network na Magandang Buhay.

Umalis si Karla sa show nang siya ay mag-file ng certificate of candidacy noong October 2021.

Wala pang post sa kanyang Instagram si Daniel ukol dito.

REFERENCE/S:
Daniel Padilla shows support for Vice President Leni Robredo's presidential bid| PEP.PH

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts