Thursday, August 4, 2022
HomeUncategorizedBigas na pang-ayuda sa mga residente sa Siargao, nabasa ng ulan

Bigas na pang-ayuda sa mga residente sa Siargao, nabasa ng ulan

-

Ang inaasahang ayuda sa Siargao island, nabasa pa ng ulan. Hindi na mapapakinabangan ang higit 40 sako ng bigas na ipamimigay sa mga residente roon. Kahit naman malakas ang ulan, tuloy pa rin ang mga misa sa mga nawasak na simbahan.

Nabasa ang higit na 40 sakong bigas sa warehouse ng Dapa na ipapamahagi sana bilang relief goods sa mga Island barangays at mga karatig lugar sa Surigao City.

“Sa ngayon po hindi na po talaga namin mapapamigay sa mga tao so ang makikinabang talaga, ay para sa mga hayop nalang,” sabi ni Rizelle Dumagtoy, Task Force Bangon Siargao Relief Operation.

“Sa lakas po ng ulan at the same time may barge po kasi na tumama sa bahura so matagal po siya nadeliver bago dumating dito sa warehouse.”

“One day po siyang naka stay sa laot, yun po ang naging cause sa pagkabasa ng mga bigas,” dagdag pa niya.

Malaking hamon ngayon ang pagpapamahagi ng mga relief goods sa mga Island barangays dahil sa kasalukuyang epekto ng masamang panahon, at nakataas pa rin ang Gail Warning sa Siargao. Di pa rin pinahihintulutang bumiyahe ang mga bangka.

“May mga lugar pa po talaga na hindi nakakuha gawa ng sobrang alon… hindi pa po namin maipapadala sa ibang isla,” ayon kay Dumagtoy.

Ang balitang ito ay mula sa TV Patrol, ABS-CBN News. Maliit na detalye lamang ang iniba ng may akda na ito.

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts