Thursday, August 11, 2022
HomeUncategorizedBabae, nag-donate ng kidney sa boyfriend niyang kainalaunan ay iniwan siya

Babae, nag-donate ng kidney sa boyfriend niyang kainalaunan ay iniwan siya

-

Viral ang kwento ng isang babae sa TikTok dahil sa kanyang ginawa para sa kanyang dating kasintahan

Napagpasyahan niyang ibigay ang isa niyang kidney sa noo’y karelasyon na sumasailalim sa dialysis dahil mahina na ang kanyang kidney.

Gayunpaman matapos niyang ma-idonate ang isa niyang kidney, napag-alaman niyang nagtaksil ito sa kanya.

Sinubukan niya umanong bigyan pa ng pagkakataon ang kanilang relasyon ngunit kinalaunan ay iniwan siya ng lalaki.

Agad na tumabo sa milyon-milyon ang views ng TikTok videos ng isang babaeng nagngangalang Colleen matapos niyang ibahagi ang kanyang karanasan matapos niyang mag-donate ng kidney sa kanyang dating karelasyon.

Ayaw niya umanong makitang mamatay ang boyfriend na mayroong chronic kidney disease.

Matapos niyang magpasuri ay nalaman niyang match siya para mag-donor at hindi nag-atubiling ibigay ang isang kidney niya.

Ilang buwan lamang matapos ang kanilang matagumpay na operasyon, nagtapat ang kanyang boyfriend sa kanyang nagawang pagkakamali nang minsan ay dumalo siya sa isang party. Binigyan pa rin umano niya ng pagkakataon ang kanyang ex ngunit naging madalas ang kanilang pag-aaway hanggang sa tuluyan na siyang iniwan nito. Hindi na raw sinagot ang kanyang mga tawag at text at naka-block na rin siya sa mga social media accounts nito.

Gayunpaman, sa isang video na binahagi sa BuzzFeedVideo YouTube channel, sinabi niyang hindi niya naman pinagsisihan ang pag-donate niya ng kanyang kidney. Sa kabila umano ng trauma at kabiguang kanyang pinagdaanan, napabuti naman ang kanyang buhay.

Sa kasalukuyan ay masaya umano siya sa kanyang boyfriend at wala siyang sama ng loob sa dating karelasyon.

REFERENCE/S:
Babae, nag-donate ng kidney sa boyfriend niyang kainalaunan ay iniwan siya| KAMI

Related articles

Stay Connected

138,422FansLike
8,530FollowersFollow
361,888FollowersFollow
8,971SubscribersSubscribe

Latest posts